“Aling pag-ibig ba ang hihigit kaya, sa pagkadalisay at pagkadakila, gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?” Ang linyang ito na galing kay Bonifacio ay tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan at sa kabayanihan. Ang kabayanihang tinutukoy ni Bonifacio ay makikita sa watawat ng Pilipinas.
Makikita sa kasaysayan ng watawat ng Pilipinas ang pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani. Ang iba’t ibang uri ng bandilang ginamit ng mga hukbong Pilipino ay nagsilbing simbolo ng kabayanihan ng mga Pilipino. Katulad ng bandila nina del Pilar at Diego Silang, ginagamit ito bilang pagpapakilala ng katauhan ng isang hukbo. Ang bandilang ginagamit ngayon, na ginawa noong 1898, ay ginamit upang maipakita ang kasarinlan ng Pilipinas sa Espanya.
Makikita naman sa iba’t ibang bahagi ng watawat ang mga katangian at ang mga kahalagahan ng mga Pilipino. Ang mga walong sinag ng araw ay para sa unang walong probinsyang lumaban laban sa Espanya, habang ang tatlong bituin ay para sa mga tatlong malalaking pulo ng Pilipinas, Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang kulay bughaw sa bandila ay para sa pagkakaisa ng mga Pilipino, at ang kulay pula naman ay para sa katapangan at kagitingan ng mga Pilipino. Ang puting tatsulok na mayroong mga pantay-pantay na gilid ay nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino.
Tula, Talumpati, Maikling Kwento, Pabula, Sanaysay
Makikita rin sa paraan ng paggamit ng mga Pilipino ang respeto nila para sa bandila. Ginagamit ito ng mga Pilipino para ipakita ang kanilang minamahal na bansa sa iba’t ibang pagpupulong. Sa oras ng digmaan, nilalagay ang pulang bahagi sa itaas para ipakita ang kagustuhan ng pagkamatay para sa bansang Pilipinas. Ipinapakita ng paggamit ng bandila ang pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang watawat.
Sa kabuuan, ipinapakita ng watawat ng Pilipinas ang pagmamahal sa bayan ng mga Pilipino. Makikita sa iba’t ibang bahagi ng watawat ang iba’t ibang katangian ng mga Pilipino. Makikita sa kasaysayan ng bandila na handang mamatay ang mga Pilipino para sa hinahalagahan nila, ang Pilipinas. Mahal ng mga Pilipino ang kanilang bandila dahil isinasalamin nito ang kanilang katauhan at ang katauhan ng lahat ng mamamayang Pilipino.