Tunay na Mahalaga Noli Me Tangere Daan tungo sa Paglaya ng KamalayanLima sa Kababalaghan Mga Kuwento na Papatunayan ang Hindi Mapapagkatiwalaan

Game News Maniacontact fiverr/MuhammudAbuOntricky
Please wait 0 seconds...
Scroll Down and click on Go to Link for destination
Congrats! Link is Generated
Tunay na Mahalaga Noli Me Tangere Daan tungo sa Paglaya ng KamalayanLima sa Kababalaghan Mga Kuwento na Papatunayan ang Hindi Mapapagkatiwalaan

Ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Ang pagbasa nito at ng itong kasunod, ang El Filibusterismo, ay kailangan para sa mga mag-aaral sa sekondarya.

Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang huwag mo akong salingin (o hawakan). Sinipi ito mula sa Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus kay Maria Magdalena na Huwag mo akong salingin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking ama.

-Hindi Mapapagkatiwalaan title= style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQD69YJoMWLeWhoYfqGBULPzQddLm2DnKrl7F0N-gOcpETdB6QF0pw87pc0br8brucZE4w&usqp=CAU'; />

Unang nobela ni Rizal ang Noli me Tangere. Inilathala ito noong 26 taóng gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Orihinal itong nakasulat sa wikang Kastila, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.

Sinaunang Paniniwala At Kaugalian

Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.

Ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde.

Bumuo ng kontrobersiya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, pinatawag siya ni Gobernador-Heneral Emilio Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli Me Tangere. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Leitmeritz:

Noli Me Tangere Kabanata 2 Buod, Mga Tauhan, At Aral

Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon... pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ... Mga Pangunahing Tauhan Crisostomo Ibarra

Si Juan Crisostomó Ibárra y Magsálin (o Crisostomo o Ibarra), ay isang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.

Si Mariá Clara de los Santos y Alba (o Maria Clara), ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kaniyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso. Siya ang kumakatawan sa uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay inilarawan bilang maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, at mapagpasakit.

Ang Matandang Bayan Ng Polo At Ang Piksyunal Na Bayan Ng San Diego Sa “noli Me Tangere”

Si Dámaso Verdolagas (o Padre Damaso), ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara.

Ang

Si Don Santiago de los Santos (o Kapitan Tiago), ay isang mangangalakal na tiga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama-amahan ni Maria Clara. Siya ay mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kaniya,

Si Don Anastasio o Pilosopo Tasyo, ay isang pantas at maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Kadalasan siyang tinatawag na baliw dahil hindi maunawaan ng mga mangmang ang katalinuhan niya.

Concept Digest Week 1

Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kayâ abot-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang de ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng kalidad sa pangalan niya.

May handaan sa bahay ni Kapitan Tiago. Maraming handa, dumalo ang mga kaibigan at kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na ang mga táong hindi inimbita, simbolo ng isang sakít sa lipunan. Masaya ang lahat sa nasabing pagtitipon. Kayá lámang ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng iba, tulad ng nangyari kina Padre Damaso at sa tenyente ng guwardiya sibil. Talo pa nila ang mga walang pinag-aralan. Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak ng namatay na si Don Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiago. Nagulat si Crisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa kaniyang pag-aalala nang lapitan siya ni Tenyente Guevarra at purihin niyon ang kaniyang ama.

-

Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiago bílang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa pagdatíng ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang ilang panauhin ay humanga kay Ibarra sa pagsasalaysay nito. Marami ang namasid at nagbigay ng palagay tungkol sa kalagayan ng mga bansang nalakbay na niya. Ang opinyon ni Padre Damaso ay pagsasayang lámang ng salapi ang gayon. Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng datíng pari sa kaniyang bayang San Diego. Umalis siya nang hindi pa tapos ang hapunan.

Noli Me Tangere Script 11 Scene

Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng pagkakabilanggo at pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol ni Don Rafael sa isang batang laláki na gustong saktan ng artilyero ay naitulak niya iyon. Nabagok ang ulo ng artilyero. Hindi na yaon muling natauhan at tuluyan nang namatay. Hinúli ng pulisya si Don Rafael Ibarra. Tumagal ang paglilitis ng kaniyang usapin hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan nang may sakit. Sa tinuluyang silid ni Crisostomo Ibarra ay iba-ibang pangitain ang nakita niya sa kaniyang isipan. Naging abalang lubha ang kaniyang pag-iisip sa malupit at malungkot na kapalarang sinapit ng kaniyang ama. Hindi na tuloy niya napag-ukulan ng pansin ang mga tanawing makapagpapaligaya sa puso.

Mauuri ang mga táong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiago. May humahanga at natutuwa sa kaniya. May namimintas at naiinis. May mga nasusuklam dahil sa kaniyang mga pandaranas at katusuhan sa negosyo. Salapi ang ginagamit niya sa pagliligtas ng kaniyang kaluluwa. Marahil ay dahil sa pag-aakalang mabibili niya pati na ang Diyos. Ngunit, ano man ang kapintasan ni Kapitan Tiago ay sinasabing mahal na mahal niya ang anak na si Maria Clara kahit na hindi niya ito kamukha. Inakala ng mga kamag-anak ni Kapitan Tiago na gawa ng paglilihi sa mga santol ng asawa niyang si Donya Pia ang pagka-mestisa ni Maria Clara. Sinasabi ring ang donya ang isa sa mga dahilan ng lubhang pagyaman ng Don.

Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa kasintahan niyang sa Maria Clara sa bahay ni Kapitan Tiago sa Binondo. Sinariwa nila ang mga alalala nila noong sila ang bata pa, ang alaala nila sa dahon ng sambóng. Ipinakita rin ni Ibarra ang tuyong dahon ng sambóng na itinago niya. Samantala, ay isang matandang pari sa kanilang korporasyon ang dinalaw ni Padre Sibyla. Nasabi ng paring may sakít na kailangan nang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas sapagkat namumulat na ang isipan ng mga tao sa katotohanan kinabukasan ay Todos Los Santos o Araw ng mga Patay. Kailangan niyang umuwi sa San Diego upang dalawin ang libing ng kaniyang amang si Don Rafael Ibarra.

Noli

Noli Me Tangere Buod Ng Bawat Kabanata

Nasisiyahang pinanood ni Ibarra ang mga nadaraanan niyang mga tao’t bagay-bagay sa mga lansangan at mga pook na binagtas ng kaniyang karwahe mula sa Binondo. Itinulad niya ang mga iyon sa mga naobserbahan niya sa kaniyang paglalakbay sa mga bansa sa Europa. Nasabi niyang higit na mauunlad ang mga bansa sa ibayong dagat kaysa sa sarili niyang bayan. Nakita niya rin ang isang karwaheng hinihila ng kalabaw na simbolo ng mabagal na pag-unlad ng Pilipinas. Kinausap ni Padre Damaso si Kapitan Tiago tungkol sa isang mahalagang bagay na sila pa lámang ang nakakaalam. agkasuyo ang masasaya at malulungkot nilang karanasan. Dahil sa matamis nilang pag-uulayaw ay muntik nang malimutan ni Ibarra na. Dáting isang maliit na nayon lamang ang bayan ng San Diego. Mayaman ito sa anking mga bukirin at lupaing pinag-aanihan ng palay, asukal, kape, at prutas na naipagbibili sa iba pang mga bayan. Bukod sa ilog na parang ahas gubat sa gitna ng luntiang bukid ay angkin pa rin ng San diego ang isang gubat na nagtatago ng maraming alamat. Isa na rito ang kuwento ukol sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra.

Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila’y ang kura ng kinatawan ng Papa sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa mga tauhang sa halip na mag-utos ay siyang inuutusan. Bagamat magkaaway, hindi nila ito pinakikita sa taumbayan, bílang tanda ng kanilang pagkapropesyonal. Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa libingan. Hinananap nila ng kasamang katulong ang puntod ng kaniyang amang si Don Rafael, ngunit hindi nila iyon natagpuan. Isinalaysay ng sepulturéro ang kahilahilakbot na nangyari sa bangkay ng Don dahil sa utos ng “Malaking Kura. Nilisan ni Ibarra ang libingan na gulong-gulo ang isip. Diniinan niya sa balikat ng kurang si Padre Salvi nang nakasalubong niya ito sa pag-aakalang iyon ang humamak sa bangkay ng kaniyang ama. Sinabi naman nito na ang totoong gumawa nito ay ang pumalit sa kaniya, si Padre Damaso. Kakaiba sa karaniwan ang mga kilos at paniniwala

Getting Info...

Posting Komentar