Ang araw sa delikado nang watawat na nasa pangangalaga ng mga Aguinaldo-Suntay sa Emilio Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio. Ito na ba ang unang watawat ng Pilipinas? Mula sa watawat.net.
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! Nasaan nga ba ang orihinal na watawat??? Yung iwinagayway ni Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo nang iproklama niya ang independensya sa Kawit, Cavite, 115 years ago, June 12, 1898.
Ipinalalagay Na Bawal title=XIAO TIME, 11 June 2013: NASAAN NA NGA BA ANG ATING UNANG BANDILA style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTBituvL6HLsKbogUujHwHhGmyJPDWyNASB01dNaGBX3yWiNiV13Ido8crD_in5vlY4LpQ&usqp=CAU'; />
Ayon mismo kay Aguinaldo, nawala ang orihinal na bandila habang umaatras pahilaga sa Tayug, Pangasinan noong 1899. Ngunit, ayon sa mga apo ng heneral, ang mga Aguinaldo-Suntay, nasa kamay nila ito at makikita sa Emilio Aguinaldo Museum sa Lungsod ng Baguio. Nakapaloob na sa isang net dahil naghihiwa-hiwalay na ang tela, ang disenyo ng mukha na may araw at iba pang palamuting laurel na nakapatong sa mga kulay bughaw at pula nito na may nakasulat na “Libertad Justicia y Ygualdad” sa isang mukha nito, at sa kabila naman ay “Fuerzas Expedicionarias del Norte de Luzon.”
Gumawa Ng Unang Bandila Ng Pilipinas
Isa sa mga apo ng heneral, Emilio Aguinaldo Suntay III, Ang sinusulyapan ang sinasabing pinakaunang watawat ng Pilipinas. Makikita ito sa Aguinaldo Museum sa Happy Glenn Loop. Kuha ni Redjie Melvic Cawis ng Philippine InformationI Agency
Isa sa mga apo ng heneral, Emilio Aguinaldo Suntay III, Ang sinusulyapan ang replica ng sinasabing pinakaunang watawat ng Pilipinas na nasa baba nito. Makikita ito sa Aguinaldo Museum sa Happy Glenn Loop. Mula sa Mandirigma.org.
Naniniwala dito ang sekretarya ni Heneral Aguinaldo na si Felisa Diokno, 82 taong gulang na makapanayam noong 1998. Nasaksihan niya kung gaano kamahal ng heneral ang nasabing watawat na lagi niyang itinatanghal sa flagpole at inilalabas, lalo na nang iproklama ni Pang. Diosdado Macapagal ang 12 Hunyo bilang Araw ng Kasarinlan mula 4 Hulyo noong 1962. Hindi naman kumbinsido si G. Ted Atienza ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan. Hindi maaaring ang unang watawat ay may palamuting laurel at ayon sa tumahi ng watawat na si Marcela, seda ang orihinal habang bulak naman ang watawat sa Baguio.
Sa Ipinagbabawal Ang Pagwawakas Ng Bandilang Pilipino Sa Anumang Pagkakataon Ang Saan Mang Lugar Sa Bansapa
Ang replica na ginawa ni Dekana Lydia Arribas ng Unibersidad ng Pilipinas, nakaharap ang inskripsyon na Fuerzas Expedicionarias el Norte de Luzon.
Nang suriin naman ni Dekana Lydia Arribas ng UP College of Home Economics ang bandila sa Baguio, kanyang naobserbahan na ang mga tuwid na hibla ng sinulid na lamang ang nalalabi at nawawala na ang pababa. Maaaring ang mga natunaw na sinulid ay gawa sa seda dahil mas matibay ang gawa sa bulak, kaya maaaring parehong tela ang ginamit. Ngunit pwede bang magkaiba ang klase ng sinulid sa iisang tela?
Ayon din kay Gng. Diokno, bagama’t nawala ni Hen. Aguinaldo ang bandila, ito ay ibinalik sa kanya at mula noon lalong ayaw raw niyang pabayaan ang bandila. Kailangan lamang liwanagin na ayon sa apo sa tuhod ng heneral na si Angelo Aguinaldo, curator ng Dambanang Aguinaldo, iba ang bandilang Suntay sa bandila ni Aguinaldo na ibinalik ng pamilyang Dubois mula sa Amerika na nasa pangangalaga ngayon ng Dambanang Aguinaldo.
Xiao Time, 11 June 2013: Nasaan Na Nga Ba Ang Ating Unang Bandila
Sina Xiao Chua, John Ray Ramos at Joshua Duldulao ng AnakBayani, kasama si G. Angelo Jarin Aguinaldo (nakpula) sa balkonahe ng kasarinlan, sa bintana kung saan ipinroklama ang kasarinlan mula sa mga Espanyol, Dambanang Pangkasaysayan Emilio Aguinaldo, Kawit, Cavite.
Sa isang panayam sa bunsong anak ni Gng. Agoncillo na si Marcela de Agoncillo, Jr. ang orihinal na bandila raw na tinahi ng kanyang ina ay ang bandilang nasa kamay ng anak ni Hen. Aguinaldo na si Gng. Cristina Aguinaldo Suntay. At ang orihinal na tela ng bandilang ito ay navy blue ang bughaw.
Ngunit bagama’t mahirap pang masigurado kung ang bandilang Suntay nga ang pinakaunang watawat, walang tahasang binanggit si Pangulong Aguinaldo ukol dito, ito ang siguradong-sigurado tayo: ang bandilang Suntay ay isang bandilang minahal at ipinagmalaki ng heneral.

Sa___________ipinagbawal Ang Pagwawagayway Ng Bandilang Pilipino Sa Anumang Pagkakataon O Saan Mang Lugar Sa
Si Heneral Emilio Aguinaldo sa harapan ng Aguinaldo-Suntay flag na siyang pinaniniwalaan ng ilan na isa sa pinakaunang, kung hindi man ang pinakaunang watawat ng Pilipinas.
Si Henera Emilio Aguinaldo habang tangan-tangan ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa harapan ng monumento ni Dr. Jose Rizal isang Araw ng Kasarinlan (July 4).
Pabalat ng Philippine Free Press na nagpapakita sa matandang heneral hawak ang Espada ni Aguirre na nakuha niya sa Labanan sa Imus noong 1898, at ang bandilang Aguinaldo-Suntay sa kanyang tabi.
Ito Ay Batas Na Nagbabawal Sa Pagwagayway Ng Bandila Ng Pilipinas. F_ _ _ L_w
At tulad ng sinabi sa akin ni G. Angelo Aguinaldo, lahat ng bandilang nagmula sa panahon ng himagsikan ay mahalaga sa ating kasaysayan. Ngayon, ang bandilang Suntay ay unti-unting nasisira. Tulad ng alinmang mahalagang dokumento sa ating kasaysayan, kailangang bigyan natin ito ng pagpapahalaga. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan, and that was Xiaotime.Isang paglalarawan sa City Hall ng Cavite City sa unang pagwawagayway ng bandila sa Teatro Caviteno sa Kawit, Cavite matapos ang tagumpay ng hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Alapan, Imus, Cavite laban sa mga Espanyol, May 28, 1898. Ang petsang ito ang simula ng mga araw ng bandila hanggang sa Araw ng Kasarinlan, June 12, 1898.
Makasaysayang araw po, it’s Xiaotime! 115 years ago, May 28, 1898, matapos magbalik ni Heneral Emilio Aguinaldo mula sa Hongkong upang ituloy ang kanyang laban sa mga Espanyol, nagwagi ang kanyang pwersa sa Labanan sa Alapan, Imus, Cavite. Bilang pagdiriwang sa pagwawaging ito, iwinagayway sa unang pagkakataon sa Teatro Caviteño sa Kawit ang bandila ng Pilipinas na may tatlong kulay, tatlong bituwin at araw.
Taliwas ito sa nalalaman ng mas marami sa atin na noong June 12, 1898 proklamasyon ng Kasarinlan unang iwinagayway ang bandila. Kaya naman, ang araw na May 28 ang ginawang “National Flag Day.”
Saanipinagbawal Ang Pagwawagayway Ng Bandilangpilipino Sa Anumang Pagkakataon O Saan Mang Lugar Sa
Pero alam niyo ba, bago pa man dumating ang mga Espanyol, mayroon ng mga watawat ang ating mga ninuno. Kahit sa mga drowing ng mga sinauna nating mga warship, ang karakoa, makikita na ito. At may dokumentadong bandila ang Himagsikan ni Diego Silang sa Ilocos noong 1762 at ang Motín de Cavite noong 1872.
Mayroon din tayong maling nosyon dahil sa mga selyo na lumabas noong 1972 na pinamagatang “Evolution of the Philippine Flag” na tila step by step ito na pagbabago ng itsura ng pambansang bandila. Kailangang maintindihan na hindi ito bandila ng bansa kundi mga bandila ng iba’t ibang balanghay ng Katipunan at mga heneral ng himagsikan na sabay-sabay na lumaganap noong Himagsikang 1896.
Mga bandila ng Katipunan na may tatlong K para sa “Kataastaasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan” na nasa telang pula, ang personal na bandila ni Andres Bonifacio, ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan, ang bungo ni Hen. Mariano Llanera na nagamit niya sa Labanan sa San Isidro, Nueva Ecija, ang pulang bandila ni Heneral Pio del Pilar na tinawag na “Bandila ng Matagumpay, ” at ang pula, asul at itim na bandila ni Hen. Gregorio del Pilar na ibinatay niya sa bandila ng mga mapaghimagsik na Cubano na kaagapay nila sa paglaban sa kolonyalismo.
Ang Mga Araw Ng Bandila: Mayo 28 Hanggang Hunyo 12
Mayroong mga hindi napabilang dito—halimbawa ang bandila ng Katipunan sa Polo na may KKK, korona, araw at mga espada at kris na may bungo, ang bandilang ito na may pugot na ulo ng Espanyol, ang bandila ng Malibai na tila isang tatsulok na anting-anting na may mata, at ang bandila ni Pangulong Macario Sakay.

Ang bandila ng KKK sa Polo na hawak ng mga Amerikanong nagcocosplay bilang mga sundalo noong Philippine-American War. In fairness sa effort. Mula sa http://www.flickr.com/photos/dcnelson0381/5194186568/in/photostream/lightbox/.
Sa mga listahan na ito, mayroon ding mga bogus o pekeng mga bandila halimbawa ang bandilang ito na pinagsama ang walong sinag ng araw ni Aguinaldo at ang baybaying K ni Bonifacio ay malayong-malayo sa tinutukoy na disenyo ng bandila na ibinaba sa Pact of Biak-na-Bato na araw na walang partikular na bilang ng sinag.
Ang Watawat Ng Pilipinas
Ang pagbaba ng tunay na disenyo ng bandila ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biak-na-bato sa guhit mismo sa alaala ni Heneral Artemio Ricarte.
Gayundin ang inimbentong bandila ng mga nagtangkang mangudeta noong 2003, ang bandila ng tinatawag na “Magdalo” group nina Antonio Trillanes, IV ay isinasama ngayon sa mga teksbuk bilang bandila ng “Magdalo” group nina Aguinaldo. Kaloka.
Kahunghangan na tinawag itong “Magdalo” ng press dahil pinaghalo nito ang araw sa War Standard ni Bonifacio sa baybaying “K” sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato.

Xiao Time, 28 May 2013: Araw Ng Bandilang Pilipino
Bukas abangan ang tunay na kahulugan ng mga simbolismo sa bandila ayon sa ating mga bayani. Ako po si Xiao Chua para sa Telebisyon ng Bayan and that was Xiao Time.